Mahal kong Kapatiran,
Purihin po ang Panginoon kung paano kayo at ang BCF AY ginamit sa aming buhay simula ng kami ay nag full-time sa ministry. Naging malaking pagpapala po kayo sa aming pag-aaral hangga't makatapos sa Bible School (Joel 2006 at Analyn coming April 2007) at sa pag-umpisa ng ministry na pinagpapastoran ko dito sa Veterans Outreach, Quezon City.
Naging instrumento po ang BCF kung paano Niya ako hinanda sa kanyang gawain, kung paano magsimula at kung saan. Salamat po sa inyong malaking tulong. Hindi ko po kayo makakalimutan. Bahagi po kayo sa aking buhay, kung saan ako at ano ngayon dahil po sa inyong napakalaking puso at sa Panginoon na siyang dahilan kung bakit patuloy niya akong ginagamit.
Sa ngayon po ay nandito pa po kami sa Outreach kung saan kami nag weekend work noong school days pa. Bagaman wala pang worship service ngunit patuloy pa rin ginagamit ang lugar sa mga Bible Study activities. Sa loob po ng siyam na buwan ng pagtira sa Veterans ay unti-unti kong nakilala ang mga tao at buhay nila.
Patuloy ko pong nilalapit sa inyo sa panalangin ang gawain dito at ang pagkaroon ng “Transportation Vehicle” sa pagsundo ng mga bata at mga tao dito.
Sa lahat ng mga kapatiran, maraming-maraming salamat po sa inyo. Naway palaguin at palawakin pa ng Panginoon ang inyong gawain hanggat Siya'y dumating. Pagpalain po ang inyong mga buhay, pamilya at trabaho.
Lubos na nagpapasalamat at patuloy na nanalangin sa inyo.
Ptr. Joel Furigay